(COURTESY: Jonvic Remulla/Facebook & Vice Mayor Harold Respicio/Facebook)
Ibinalik na ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang ginastos ni Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio para sa isinagawa niyang drug test na may halagang P28,011 ngayong araw, October 8.
Nag-post ng screenshot ng money transfer si Remulla sa comments section sa isang Facebook post ni Respicio na may caption na, “Eto na. Happy?”
“You make me happy, jonvic,” hirit naman ni Respicio.
Naunang nag-post ang bise alkalde ng kanyang QR code sa Facebook at sinabihan si Remulla na ibalik ang nagastos niya para sa drug test.
Ibinahagi rin ni Respicio kahapon, October 7, ang negatibong resulta ng kanyang drug test.
“Congratulations. Now that it’s confirmed that he’s not on shabu, totoo na talaga na natural ang sayad ng utak niya,” patutsada ni Remulla.
Nagpa-drug test si Respicio matapos siyang hamunin ni Remulla dahil mukha umanong wala sa tamang pag-iisip ang bise alkalde matapos kumalat sa social media ang video nitong naninigaw sa isang Sangguniang Bayan session sa Reina Mercedes.



