
Puspusan na ang paghahanda ng Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para sa inaasahang pagdagsa ng halos 1.9 million na pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya para sa paggunita ng Undas mula October 25 hanggang November 4, 2026.
Ayon sa pamunuan ng terminal, inaasahang aabot sa 200,000 pasahero ang dadagsa sa pinaka-peak na araw sa Biyernes, October 30. Gayunpaman, ibinaba ng PITX ng 10 porsyento o katumbas ng humigit-kumulang 210,100 pasahero ang kanilang orihinal na forecast dahil sa posibleng pagbabago ng travel patterns bunsod ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Nagdeklara ang pambansang pamahalaan ng special non-working days sa National Capital Region mula November 16 hanggang 18 sa ilalim ng Proclamation No. 1447 upang magbigay-daan sa pagdaraos ng summit. Dahil pumatak ng Lunes ang November, lilikha ito ng limang araw na bakasyon simula November 14.
Tinitingnan ng PITX ang posibilidad na ipagpaliban ng ilang biyahero ang kanilang pag-uwi at samantalahin ang nasabing long weekend sa halip na sumabay sa tradisyonal na Undas rush.
“We recognize that the additional non-working days for the ASEAN Summit may influence how passengers plan their trips this November. While Undas remains a major travel period, we are preparing for possible shifts in demand. This is also why our coordination with bus operators is important, so we can assess where additional trips may be needed and respond accordingly,” paliwanag ni PITX Corporate Affairs and Government Relations Director Jason Salvador.
Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang PITX sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Philippine National Police (PNP) para sa pamamahala ng trapiko, kaligtasan ng publiko, at pagtiyak sa sapat na bilang ng mga bus unit para sa provincial routes.
Nag-aayos na rin ang terminal ng deployment para sa mga karagdagang tauhan na tutulong sa ticketing, passenger queues, boarding, at baggage inspection.
Pinaalalahanan ng pamunuan ang mga pasahero na bumili ng tiket nang maaga, kumpirmahin ang mga iskedyul ng kanilang biyahe, at agahan ang pagpunta sa terminal upang mabigyan ng sapat na oras ang security screening at maiwasan ang aberya.


