
Muling nagpa-extend ng medical leave si Sen. Loren Legarda mula October 12 hanggang 13, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug ngayong araw, October 14.
Ayon kay Bantug, wala pa umanong inihahaing medical leave si Legarda para sa November.
Unang nag-file ng medical leave ang senador noong August 3 at mula noon ay sunod-sunod na itong nagpa-extend. Huling dumalo si Legarda sa Senate plenary session noong July 29.
Bukod sa plenary sessions at budget hearings na hindi niya nadaluhan, hindi rin halos nakadalo si Legarda sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, kung saan siya ay senator-judge.
Ayon kay Atty. Tony La Viña, spokesperson ng senador, “legitimate” ang karamdaman ng senador at nagpapagamot umano ito sa France. Gayunman, hindi niya isiniwalat kung ano ang sakit ni Legarda.
Nahaharap sa reklamong plunder at graft si Legarda at ang anak niyang si Batangas First District Rep. Leandro Leviste kaugnay ng hindi natupad na P10 billion solar energy project ng Solar Para sa Bayan Corp. ni Leviste na saklaw ng congressional franchise ng kumpanya.


