

Umalma ang kampo ni Senador Jinggoy Estrada na walang nasayang na pondo ng bayan sa pagbaklas nila sa loob ng dating opisina na inookupa na ngayon ni Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III.
Sa inilabas na pahayag ngayong araw, Oktubre 6, sinabi ng tanggapan ni Estrada na personal funds ang ginamit sa pagbili ng mga gamit sa opisina dahil hindi umano sapat ang binigay na budget ng Senado.
“It bears noting that standard practice in the Senate is for the senator occupying an office to renovate the space based on the budget provided, with any expense beyond that shouldered entirely by the occupant,” saad nito.
Dagdag pa ni Sen. Estrada, na “long-standing practice” sa Senado ang pagbabaklas ng mga kagamitan sa loob ng opisina kapag lilisanin na ito kaya hindi na dapat umano ito gawing isyu.
Sinabi pa nito na wala ring laman ang opisina noong una itong inokupa ni Estrada noong 2022.
Pumalag naman dito si Senador Ping Lacson bilang siya ang gumamit ng naturang opisina bago ito inokupahan ni Estrada.
Ayon kay Lacson, “Nothing was removed or destroyed, precisely because government funds were used when I refurbished it when it was turned over to me.”
Kumalat sa social media kahapon, October 5, ang isang video kung saan makikitang nakabaklas ang bahagi ng kisame at wall panels at tinanggal din ang tiles, ilaw, saksakan at inidoro sa binakanteng opisina ni Estrada sa sixth floor ng Senate building.
Kasalukuyang nakakulong sa New Quezon Cty Jail sa Payatas si Estrada dahil sa kasong plunder. - PNB, Bantay Media



