Tikom ang bibig ni Information and Communications Technology chief Henry Aguda kung siya ba ay nagresign o sinibak ng Malacanang, gaya ng mga kumalat na ulat sa social media.
Ito ay matapos lumabas ang ulat Martes ng gabi, October 6, na siya ay nag-resign umano sa pwesto.
Kinabukasan, October 6, lumabas ang isang ulat na diumano’y “sinibak” siya ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, tuloy lang daw ang trabaho ni Aguda sa DICT at walang balitang siya ay papalitan o sinibak ng sinuman sa Malacanang.
Sa pahayag naman ni Aguda, sinabi niyang nagsisilbi siya “at the pleasure of the President” at naka-focus daw siya sa kanyang mga responsibilidad sa ahensya.
“At this time, I remain focused on carrying out my responsibilities and ensuring the continuity of the Department’s work. In particular, as the Philippines hosts ASEAN this year, it is important that DICT continues to effectively fulfill its role in advancing our regional engagements on technology and innovation, including the ASEAN AI MSME event this week,” ani Aguda.
2025 nang italaga si Aguda bilang hepe ng DICT at ito na ang pangatlong beses na nasangkot ang kanyang pangalan sa mga bali-balitang balasahan sa gabinete.
Kamakailan lang, tumindi ang panawagan ng netizens na magbitiw sa pwesto si Aguda at si Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) head Usec. Renato “Aboy” Paraiso dahil sa abalang idinulot ng ipinatupad na blocking sa Discord na siyang kinondena ng netizens, gamers, at freelancers sa bansa.




